KASALUKUYAN nang nakasalang sa Committe on Appropriation ng Kamara ang panukalang P3.357 trilyon para sa 2019 Pambansang Budget, na nakatuon sa indibiduwal na paglalaan sa mga departamento ng pamahalaan.

Hindi maunawaan ng maraming mambabatas kung bakit nabawasan ang pondo ng ilang departamento sa mungkahing budget, na ipinadala sa Kongreso ng Department of Budget and Management (DBM). Ang budget ng Department of Health (DoH) para sa 2019 ay mas mababa ng P35 bilyon kumpara noong 2018. Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mas mababa ng P5 bilyon.

Ang inilaang budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay bumaba ng P95 bilyon, kahit na ito ang dapat na manguna sa programang pang-imprastrakturang “Build, Build, Build,” na nakatakdang magtayo ng mga bagong kalsada at tulay, pantalan at paliparan, gusali ng paaralan at iba pang istruktura ng pamahalaan. Bumaba naman ang pondo ng Department of Education (DepEd) ng P77 bilyon.

Maaari kayang, tulad ng hinala ng ilan, kabilang si Senador Panfilo Lacson, inilaan sa iba ang pondo upang ilaan sa mga espesyal na proyekto ng mga senador at kongresista, na itinago sa ilang item ng pambansang budget? Bago ang 2013, bawat senador ay nakatatanggap ng P200 milyon at P70 milyon para naman sa mga Kongresista bilang “pork barrel” sa ilalim ng Priority development Assistance Fund. Matapos magdesisyon ang Korte Suprema na hindi naaayon sa Konstitusyon ang PDAAF, ang mga pondo ito, sa paniniwala ng ilan, ipinapasok sa ilang lump-sum na pondo.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Sa pagdinig para sa budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tinanong ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang ahensiya kung ano ang ginawang hakbang nito upang linisin ang look ng Maynila at Laguna de Bay at dahilan upang magtayo ng isang waste-water treatment facilities ang dalawang water concessionaries ng Metro Manila. Naging mabilis ang pamahalaan sa pasasara ng Boracay dahil sa pagiging “cesspool” nito, mula sa paglalarawan ni Pangulong Duterte, ngunit patuloy na nakokolekta ng Manila Bay ang mga dumi mula sa mga bahay na nasa paligid ng look dahil inaasahang sa taong 2037 pa makukumpleto ang itinatayong treatment facilities.

Ang multi-bilyong pisong pagtapyas sa budget ng maraming mahahalagang ahensiya ng pamahalaan ay mahirap ipaliwanag sa mga tao, lalo’t naiulat na nagdulot ng koleksi8yon ng surplus ang TRAIN 1, ayon kay Minority Leader Danilo Suarez.

Sa pagbuo ng taunang budget para sa bansa, kinakailangang siguraduhin ng mga Kongresista na lahat ng distrito ay mabibigyan ng atensiyon at pondong kailangan at nararapat sa kanila. Nitong nakaraang taon, sinasabing nasa 24 na distrito na karamihang inirerepresenta ng oposisyon ang nabalewala sa pagpopondo.

Siniguro na ni Bagong Soeaker Gloria Macapagal Arroyo na lahat ng distrito ay makatatanggap ng pondong nararapat sa kanila. Kasing halaga nito, dapat din masiguro ang tamang paglalaan ng pondo sa mga departamento ng pamahalaan, lalo’t higit sa DepEd, na nakasaad sa Konstitusyon, na dapat ay may “highest budgetary priority.”