Demi Lovato (AP Photo/Andrew Harnik, File)
Demi Lovato (AP Photo/Andrew Harnik, File)

IPINAGPAPATULOY ni Demi Lovato ang paghingi ng tulong na kailangan niya.

Dalawang linggo matapos ang umano’y kanyang pagka- overdose, pansamantala munang lumabas ng rehab ang Sober singer upang makipagkita sa isang psychiatrist sa Chicago. Makikipag-ugnayan si Demi, 25, sa isang propesyunal na espesyalista sa mental health, sobriety, at wellness. Nakipag-ugnayan naman ang Yahoo Entertainment sa kinatawan ni Demi, ngunit hindi pa ito nagpapaunlak ng komento.

Ayon sa source, si Demi ay “very committed” sa kanyang recovery.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

“She’s taking this seriously,” sabi ng insider sa Yahoo. “She knows it’s not going to be easy and it hasn’t been, but she’s ready to do this.”

Natagpuang walang malay si Demi sakanyang bahay sa Hollywood noong Hulyo 24 at umano ay ginamitan siya ng Narcan para magkamalay. Ayon sa mga report, muntik na siyang bawian nang buhay. Isinugod ang singer sa ospital at nanatili roon sa loob ng 11 araw. Ang longer-than-usual stay ay dahil sa mga “complications” na kanyang naranasan na “common after a drug overdose,” ulat naman ng People.

Nitong Sabado, lumabas na ng ospital ang Skyscraper crooner at kaagad na pumasok sa rehab. Ginawa niya ang kanyang unang public statement tungkol sa insidente nitong nakaraang linggo.

“I have always been transparent about my journey with addiction. What I’ve learned is that this illness is not something that disappears or fades with time. It is something I must continue to overcome and have not done yet,” post niya sa Instagram. “I want to thank God for keeping me alive and well. To my fans, I am forever grateful for all of your love and support throughout this past week and beyond. Your positive thoughts and prayers have helped me navigate through this difficult time.

“I want to thank my family, my team, and the staff at Cedars-Sinai who have been by my side this entire time. Without them, I wouldn’t here writing this letter to all of you. I now need time to heal and focus on my sobriety and road to recovery. The love you have all shown me will never be forgotten and I look forward to the day where I can say I came out the other side,” sabi pa ni Demi.

Tinapos niya ito sa pagsasabing, “I will keep fighting.”

At sinabi ng source na ito mismo ang ginagawa ng singer.