Tinatalakay na ngayon ng Kongreso ang isang panukalang-batas na naglalayong mawakasan ang domestic violence o karahasan sa mga miyembro ng pamilya, kabilang ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community, maging ang kababaihan at bata.

Hinimay nang husto ni House Committee chairperson on Women and Gender Equality, Rep. Bernadette Herrera-Dy (Party-list, Bagong Henerasyon) ang House Bill No. 5584 na inakda ni Malabon City Lone District Rep. Federico Sandoval III.

Layunin din ng mungkahing-batas na maproteksyunan ang mga biktima ng nasabing karahasan at mapatawan ng karampatang parusa ang sinumang lalabag nito.

Sa pagdinig, ipinaliwanag ni Sandoval ang maaaring epekto kung walang batas tungkol sa civil partnership. “May I know, since we do not have a law on civil partnership, and these people are living as civil partners in a home, itong LGBT natin, how will that impact my proposal? First, of course, that civil partnerships be recognized,” pagtatanong ng kongresista.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Herrera-Dy, walang batas na nagpoprotekta sa LGBT community sa ngayon, katulad ng couples na nagsasama lamangt sa iisang bubong.

“I think there are existing laws that protect them if it’s not in that context na domestic violence in the context of being civil partners. Kasi ‘yung civil partnership will just come in, kumbaga, kapag magkasama sila, ibang kahulugan na ito ng domestic violence but, hindi naman lahat ng domestic violence refers to couples or intimate relationship and hindi pa natin siya naipapasa,” paglalahad din ni Herrera-Dy.

-Bert de Guzman