SI Vhong Navarro ang bida sa official entry ng Regal Entertainment sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) filmfest na gaganapin sa Agosto 15-21, ang Unli Life kasama sina Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, Ejay Falcon, Joey Marquez, Jun Urbano at maraming iba pa.

Vhong

Baguhan ang direktor ng Unli Life, si Miko Livelo na ayon kay Vhong ay magaling kahit bata pa.Story idea ng manager ni Vhong na si Chito Roño ang Unli Life. (May entry rin si Direk Chito sa PPP, ang Signal Rock.) Fantasy rom-com ang Unli Life, gustong makipagbalikan sa girlfriend (Winwyn) ang karakter na ginagampanan ni Vhong. Sa pamamagitan ng isang mahiwagang alak, maaari siyang makabalik sa panahon na maayos pa ang relasyon nila, at maiwasto ang nagawang pagkakamali. Pero mukhang may salto, kasi kung saan-saang panahon nakakapunta si Vhong: sa Jurassic Era, panahon nina Lapu-Lapu at Magellan, 70s.

Siyempre puro nakakatawa ang mga engkuwentro niya sa iba’t ibang characters.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, nahatulan na sa korte ng guilty sa grave coercion case sina Cedric Lee at Deniece Cornejo, pero may iba pang mga kaso -- serious illegal detention at perjury.

“It was really a humbling experience. Inaamin ko namang naging over confident ako noon, sobrang bumilib ako sa sarili ko,” sabi ni Vhong. “Kaya ngayon, everytime I pray, I say,

‘Lord, sana huwag n’yo na hayaang lumaki uli ang ulo ko, sana marunong pa rin ako laging tumingin sa pinanggalingan ko at kung saan ako nagsimula. Matindi rin ang pinagdaanan ko, lalo na nang mawala ang father ko who’s very close to me. But I just dwell on the blessings.”Kung mabibigyan siya ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, pipiliin ni Vhong ang masasayang taon sa piling ng ama na pumanaw nitong nakaraang Enero.

“Sunud-sunod din naman ang magagandang blessings na dumarating sa akin. Isa na itong Unli Life where I play Benedict, a podcast DJ na naging broken hearted after makipag-break sa kanya ang girlfriend niyang si Victoria, kasi nasasakal na ito sa sobrang pagkontrol niya sa buhay nito. Feeling depressed, napadpad ako sa bar called Turning Point where I meet Joey Marquez as Mang Saro, a bartender na inalok sa ’kin ang alak called Wish Key na makakatulong para makapag-time travel ako at para baguhin ang pagkakamali sa nakaraan ko and then mailagay sa tama ang kasalukuyan.

“Doon na nga ako mapupunta sa iba’t ibang eras in history na lagi kong pipiliting bawiin si Winwyn. Dahil sa pagbabalik-balik ko sa past, doon ko matutuhan ang isang mahalagang lesson na makakapagpabago sa buhay ko. When we shot this, ‘di ko alam na mapapasali pala sa PPP so another blessing ‘yun.”

(Dati naming katrabaho sa Liwayway Publishing ang tatay ni Vhong na si Danny, chief ng stripping department. Parehong mabait na tao ang mag-ama, mahusay makipagkapwa at sa katunayan ay lagi pa ring yumayakap sa amin sa Vhong kapag nakikita kami saan mang showbiz event. Ganyan din siya maging noong wala pang muwang at sumasama-sama pa sa tatay niya sa opisina.)

-DINDO M. BALARES