TORONTO (AP) — Patuloy ang pananalsa ni Greek teen Stefanos Tsitsipas para tanghaling pinakabatang player na nagwagi ng apat na sunod laban sa top-10 players mula nang itatag ang ATP World Tour noong 1990 matapos gapiin si Kevin Anderson 6-7 (4), 6-4, 7-6 (7) nitong Sabado (Linggo sa Manila) p[ara makausad sa Rogers Cup final.
Magdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan si Tsitsipas sa Linggo kung saan makakaharap niya sa titulo ang mananalo sa laban nina top-ranked Rafael Nadal at Karen Khachanov.
“Playing in a Masters 1000 final is the best thing that can happen on your birthday,” pahayag ni Tsitsipas. “I cannot believe it.”
Giniba ni Tsitsipas si fourth-seeded Anderson natapos daigin sina seventh-seeded Dominic Thiem, ninth-seeded Novak Djokovic at second-seeded defending champion Alexander Zverev para makausad sa ATP World Tour Masters 1000 semifinal sa unang pagkakataon.
Nailista ni Tsitsipas ang ace para makausad mula sa 7-7 iskor.
Tatangkain ni Tsitsipas na maging unang player matapos ni Albert Portas sa Hamburg noong 2001 na nagwagi ng ATP World Tour title sa unang pagkakataon. Inaasanang tatatas ang ranking ni Tsitsipas sa 12th mulasa 27th