AYAW mabakante ni Yasmien Kurdi, na mangyayari kapag natapos na ang taping ng Hindi Ko Ka Kayang Iwan Ka. Bago pa matapos ang taping ng serye, nag-enroll na siya ng AB Political Science course sa Arellano University sa may Legarda, sa Maynila.

Yasmien copy

Kapag nag-graduate, mag-i-enroll siya ng Masters on Public Diplomacy. Hindi mabigat ang schedule ni Yasmien sa eskuwela, dahil every Saturday lang ang klase niya, pero whole day.

“Nakakatuwa nga dahil majority ng units ko sa Nursing counted sa course ko ngayon. Kaya one year lang, baka mag-graduate na ako. Kapag nag-graduate na ako ng Masteral, mag-aaral pa rin ako. Aral lang nang aral ng iba’t ibang kaalaman,” sabi ni Yasmien.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi iiwan ni Yasmien ang showbiz kahit maka-graduate siya dahil mahal niya ang pagiging artista, at minahal niya ang mga role na ginampanan. Gaya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan, role ng HIV+ na si Thea ang ginagampanan niya. Masaya si Yasmien na maraming viewers ang nabuksan ang isip sa pagkakaiba ng HIV sa AIDS.

Mami-miss ni Yasmien ang mga kasama sa Afternoon Prime, lalo na ang mga naging close friends niya. Maganda ang nabuong friendship nila nina Ina Feleo, Cathy Remperas at Charee Pineda. Naging barkada sila at lumalabas kahit walang taping, at nangakong kahit tapos na ang teleserye ay magkikita-kita pa rin sila.

-Nitz Miralles