Posible umanong kakagawan ng isang Morrocan ang pambobomba sa isang military detachment sa Lamitan City, Basilan, na ikinasawi ng 11 katao, nitong nakaraang linggo.
Ito ang naging komento ni Defense Secretary Delfinm Lorenzana nang magpatawag ng press conference sa Department of National Defense (DND) headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.
Pinagbatayan ni Lorenzana ang pahayag ng dalawang testigo na nagsasabing nakita nila ang suspek sa loob ng isang van bago pa man sumabog ang bomba.
Ngunit, kinukumpirma pa ngb DND ang nasabing usapin bago pa sila muling magpalabas ng panibago pang impormasyon sa insidente.
“Pero sa akin mukhang qualifications point that he is the guy.
Kasi, hindi marunong magsalita ng dialect dun, tapos fair looking, matangkad, kulot pa ang buhok. ‘Yun ang declaration ng dalawang nakakita, eh,” paliwanag ni Lorenzana.
Kung pagbabatayan, aniya, nito ang intelligence community, 80 porsiyentong kagagawan ng isang Morrocan ang naturang insidente.
“Ngayon are we certain that he is really the Morrocan? Sabi ng intelligence community, 80 percent na sya ‘yun. Kasi dun sa mga picture na ‘yun na nakuha nila sa Jolo, naka-circle na ‘yung mukha niya dun sa picture tapos merong nakalagay na ‘martyr’,” ayon pa sa kanya.
Kinumpirma rin nito na may ugnayan ang Morrocan national sa Abu Sayyaf Group na nakabase sa Jolo, Sulu at Basilan.
Malaki rin, aniya, ang paniwala nito na puntirya ng suicide bomber ang aabot sa 4,000 batang dadalo sa feeding program ng Department of Education sa isang plaza sa lungsod.
Pinasabog na ng bomber ang nasabing sasakyan nang maharang ito sa isang checkpoint.
-Francis T. Wakefield