Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

9:00 n.u. -- Adamson vs UST (men’s)

11:00 n.u. -- UP vs Perpetual (men’s)

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

2:00 n.h. -- San Sebastian vs San Beda (women’s)

4:00 n.h. -- St. Benilde vs UST (women’s)

6 p.m. – Arellano vs St. Benilde (men’s)

PORMAL na makausad sa semifinal round ang tatangkain ng University of Santo Tomas sa pagpuntirya ng ikalimang sunod na panalo sa pakikipagtuos sa College of St. Benilde ngayon sa women’s division ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nauna nang nagtala ng tatlong straight sets win ang Tigresses bago pinataob ang University of the Philippines Lady Maroons sa loob ng apat na sets sa nakaraan nilang laro upang makalapit sa target nilang unang slot sa Final Four ng mid-season conference sa torneo na inorganisa ng Sports Vision.

Ngunit, inaasahang magiging mahigpit ang laban nila sa Lady Blazers ganap na 4:00 ng hapon higit at inspirado ang huli matapos ang kanilang naitalang unang panalo kontra San Beda University Lady Red Spikers sa nakalipas na linggo.

Susi sa pamamayagpag ng Tigresses ang magandang nilalaro nina Ejiya Laure at Milena Alessandrini, gayundin nina Tin Francisco, Kecelyn Galdones, Jamie Jimenez, Carla Sandoval at setter Alina Bicar.

Sa panig ng Lady Blazers, inaasahang mamumuno sa mga ito sina Anne Umali at Marites Pablo, kasalukuyang no. 2 at 5, sa blocking sa kanilang averages na 0.92 at 0.62 kill blocks kada laro ayon sa pagkakasunod.

Masusubukan sila sa kanilang gagawing pagpigil sa España-based squad na kasalukuyang league’s top spiking team sa naitala nitong 33.88 percent success.

Sa isa pang laban ganap na 2:00 ng hapon magtutuos ang mga NCAA teams at kapwa winless pa ring San Beda University at San Sebastian College.

Samantala sa men’s division, target din ng UST ang ikalimang sunod na panalo kontra Adamson, na galing naman sa kabiguan sa kamay ng Far Eastern University noong Linggo sa pagtutuos nila ganap na 9:00 ng umaga na susundan ng tapatan ng UP (2-2) at Perpetual Help (1-4) ganap na 11:00.

Sa huling laro, maghaharap naman ang St. Benilde (2-2) at winless pa ring Arellano University ganap na at 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan