"Cancer patient siya, pero hindi siya namatay sa sakit, kundi sa pagpapahirap sa kanya ng mga pulis.”

Ganito inilarawan ng isang dating overseas Filipino worker (OFW) ang naging kapalaran ng 21-anyos niyang kapatid na may lymphoma cancer.

Sa pamamagitan ng Facebook post, nanawagan ng hustisya si Aarun Rafael para sa pagkamatay ng nakababata niyang kapatid na si Allan.

“When we visited him last Sunday, he was still strong. He said he was beaten up in the chest, slapped and hurt by the police so he will admit using illegal drugs, even as he had just undergone an operation,” saad sa post ni Aarun sa Facebook noong Agosto 7.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“But yesterday (Agosto 6), we were shocked when they told us that my brother is already dead,” dagdag niya.

Ayon kay Manila Police District-Homicide chief Senior Insp. Rommel Anicete, inaresto si Allan at ang boardmate nitong si Sherwin Angeles, sa Recto Avenue nitong Agosto 2.

Iginiit na legal ang pag-aresto, sinabi ni Anicete na dinakip ng mga tauhan ng Borbosa Police Community Precinct ang dalawang lalaki dahil sa “breaching of peace”, dahil iniulat na nagtatalo ang mga suspek.

Sinabi ng awtoridad na nakakuha sila ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek. Nagpositibo rin umano ang mga suspek sa ilegal na droga at in-inquest nitong Agosto 4.

Gayunman, pinabulaanan ni Aarun ang naturang mga alegasyon.

“When he arrived at the precinct, he was forced to admit that he’s a drug user because he looks like an addict according to them. Of course, he’s thin because he was undergoing chemotherapy for his cancer,” sabi ni Aarun.

Naniniwala ang pamilya Rafael na may foul play sa pagkamatay ng kanilang kamag-anak.

Sinabi ni Aarun na may nakita silang dugo sa paa ni Rafael at sugat sa leeg nito.

Gayunman, pinabulaanan ng MPD ang alegasyon na sinaktan mga pulis si Allan.

Sa ulat na ipinarating kay MPD director Chief Supt. Rolando Anduyan, nahirapan umanong huminga at sumuka ng dugo si Allan noong Agosto 6, sa ganap na 6:00 ng umaga, kaya isinugod siya ng duty jail officers sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

“Prior to his arrest, he’s already sick. We are aware of that because he told us,” pahayag ni Anicete.

Kahit walang abiso, sinabi ni Aarun na inembalsamo kaagad ang kanyang kapatid.

“It was just half-embalmed to preserve the body. It didn’t affect the autopsy conducted by the National Bureau of Investigation,” paliwanag ni Anicete.

Samantala, sinabi ni Anicete na kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyari.

“Right now, we don’t see any lapses from our men,” aniya.

-Kate Louise Javier