LAPINIG, Northern Samar - Dala­wang miyembro ng Lapinig Municipal Police Station (LMPS) sa Northern Samar ang nasugatan nang salakayin ng tinatayang aabot sa 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang police station, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO) ang mga sugatan na sina PO2 Gerry Quilecol at PO1 Edison Aguirre, kapwa nakatalaga sa LMPS.

Sa ulat, naganap ang insidente sa na­banggit na himpilan ng pulisya, dakong 1:44 ng madaling araw.

Dumating sa naturang lugar ang mga rebelde, pinangunahan ng isang “Mar­mar”, sakay sa dalawang elf dump truck at mga motorsiklo at pawang armado ng high-powered firearms na Uzi, M14, M16, M203, at K3 submachine guns.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinaulanan umano ng mga ito ang naturang himpilan ng pulisya, ngunit gu­manti sa kanila ang pitong pulis na naka-duty nang maganap ang insidente.

Tumagal ng 30 minuto ang sagu­paan na nagresulta sa pagkakasugat nina Qulecol at Aguirre.

Tinangay ng mga rebelde ang 10 M16, 2 glock at isang barreta pistols, isang laptop at isang USB flash na pag-aari ng hepe ng LMPS na si Insp. Noli Montibon.

Tumakas ang mga ito patungong Arteche, Eastern Samar.

Sinabi naman ng awtoridad na na­tagpuan na nila sina Montibon at PO2 Mark Mejedo na nauna nang iniulat na nawawala matapos ang insidente.

Nagsasagawa ng masusing imb­estigasyon kaugnay ng insidente, ayon kay Police Regional Office 8 (PRO-8) in­formation officer, Supt. Bella Rentuaya. “Hot pursuit operation is ongoing by the Regional Moblie Force Battalion (RMFB) and Provincial Mobile Force Company (PMFC) in coordination with the army counterparts in the area. We also alerted all police stations to continuously con­duct target hardening measures and establish checkpoints in all entrance and exit in their respective areas of responsi­bility,” sabi pa nito.

-MARIE TONETTE GRACE MARTICIO at FER TABOY