Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bibili ang bansa ng mas marami pang missile weaponry para sa plano nitong bumili ng mas maraming barko sa hinaharap.

Ito ang ipinahayag ni Lorenzana kasunod ng press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi niya na matapos ang matagumpay na pagsubok ng Philippine Navy sa unang Spike-ER surface-to-surface missile nito sakay ng Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) MKIII sa pagsagawa ng Sea Acceptance Test (SAT), sa bisinidad ng Lamao Point, Limay, Bataan, kailangan nang bumili ng karagdagang missiles kasabay ng pagbili ng Navy ng mas maraming barko sa hinaharap.

“We are getting more of those (missiles) kasi nga (because) we are acquiring more vessels,” ani Lorenzana.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi Lorenzana na o-order ang Pilipinas ng anim na off-shore patrol vessels na gagawin sa Balamban, Cebu, ng Austal, isang subsidiary ng Austal sa Australia.

“Meron tayong off-shore patrol vessels na o-orderin natin, anim, dito na gagawin sa ating bansa, sa Cebu,” ani Lorenzana.

“It will be built by Austal, it is, this is a subsidiary of the Austal in Australia. So maganda ito kasi it will be made in the Philippines,” dugtong niya.

Sinabi ni Lorenzana na hindi pa malinaw kung magkano ang gagastusin sa konstruksiyon ng mga barko dahil hindi pa naisasapinal ang kontrata.

-Francis T. Wakefield