TRADISYON na ang bowling na kabilang sa maasahan ng Philippine delegation sa international multi-event competition. At kabilang dito ang gaganaping 2018 Asian Games sa Palembang at Jakarta sa Indonesia.

RIVERA: Tiwala sa Ph bowlers

RIVERA: Tiwala sa Ph bowlers

At sa kabila ng isinusulong na bagong sistema sa scoring, kumpiyansa ag Pinoy keglers sa kampanya sa quadrennial meet.

Sa lumang sistema ng scoring, kakailanganin ng player na maka-strike ng tatlong sunod para makaiskor ng 30 puntos.Ngunit, sa bagong sistema, makakakuha ng maximum 30 points ang player sa isang matikas na strike.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ang pagbabago sa scoring ay pabor sa mga bowlers na hirap makagawa ng magkakasunod na strike.

Bukod dito, ang paglalabanang kategorya sa Asian Games ay trio at six-person team formats lamang. Inalis ng organizers ang singles, doubles at team events.

Ikinagulat ito ng marami, kabilang na si Hong Kong Tenpin Bowling chief Vivian Lau Chiang-Chu.

“The chances are not as good as in previous games because three events have been taken away,” sambit ni Lau. “There is no singles, doubles or team event and we are only left with the trios and six-person team.

Hindi naman lubhang nabahala rito ang Team Philippines, kilala sa matitikas na single player.

Sa panayam ng MB Sports Online, sinabi ni World champion at coach Engelberto “Biboy” Rivera, huling Pinoy na nagwagi ng gintong medalya sa singles event sa 16th Asian Games noong 2010.

“We are aware of the changes but believe it will hardly affect our chances. We have already prepared for it and see it as something that will ease some pressure off our bowlers,” pahayag ni Rivera.

Aniya, kung may dapat alalahanin, ito’y ang kondisyon ng lane.

“While it does make scoring easier, there are other factors. One is lane condition and the other is consistency,” aniya.

Binubuo ang Philippine team ng 12 players – anim na lalaki at anim na babae – na pinaghalo ang karanasan at kabataan.

Ang male bowlers ay sina Kenneth Chua, Angelo Kenzo Umali, Enrico Lorenzo Hernandez, Jo Mar Roland Jumapao, Merwin Tan, at Raoul Miranda, habang ang PH womens’ team ay binubuo nina Liza Del Rosario, Dyan Coronacion, Alexis Sy, Lara Posadas, Rachelle Leon at Maria Lourdes Ares.

-BRIAN YALUNG