IT seems magaganda ang walong pelikulang official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). At mostly ay family drama ang story, tulad nitong Bakwit Boys, isang heartwarming musical movie na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang pelikula ay written and directed by blockbuster director Jason Paul Laxamana, and produced by T-Rex Entertainment Productions, na kilala na rin sa mga blockbuster movies na nagawa nila.

Muling ginamit ni Direk Jason na location ang mga magagandang lugar nila sa Pampanga, tulad din ng mga nauna niyang ginawang pelikula. Napagsama-sama niya ang kanyang cast sa pamamagitan ng audition, pero hindi kailangang lahat sila ay mahuhusay kumanta.

Kabilang sa cast ang rising actress na si Devon Seron, ang stage heartthrob na si Vance Larena, ang noontime TV idols na sina Ryle Santiago and Nikko Natividad, at ang singing champion na si Mackie Empuerto. Ang pelikula ay tungkol sa four brothers at ang dream nilang sumikat sa pagkanta.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang magkakapatid ay mula sa Isabela, pero nang dumaan ang isang malakas na bagyo sa kanilang lugar, napilitan silang lumikas sa Pampanga sa lolo nila. Dito sila bumuo ng mga kanta at para kumita nag-perform sila sa town fiesta. Doon sila narinig kumanta ni Rose (Devon), a rich city girl na mahilig sa music at nag-offer ng tulong sa Bakwit Boys para mai-record ang songs at marinig i-play sa radio at makilala sila.

“Na-inspire ako sa story at sa mga kanta,” sabi ni Devon. “Nakakaiyak, kaya eager akong gawin nang i-offer sa akin.”

“Ang movie ay tribute namin sa mga hard-working people in the music industry,” sabi ni Ryle. “Sa akin, songs express the sentiments of the youth.”

Kay Vance naman, kapag napanood daw ang movie, the viewers will truly identify with the struggles of the brothers to stick together para magtagumpay. “Alam ko, maraming makaka-relate na mga kabataang tulad namin kapag napanood nila ang movie.”

At si Direk Jason Paul: “Ang Bakwit Boys po ay tungkol sa family, sa mga underdogs and about dreamers. Sana po, kapag napanood ninyo ang movie, marinig din naming kumakanta kayo, and crying tears of joy – until the credits roll and until you step out of the cinema.”

Kasama pa rin sa cast sina Alma Concepcion, Nanding Josef, Jeric Raval, Michael ‘Eagle’ Riggs, with the special participation by Sebastian Castro, Cai Cortez, Kiray Celis and Albie Casino.

Magsisimula ang PPP 2018 sa August 15 to 21, in cinemas nationwide.

-NORA V. CALDERON