Nais ni Senador Grace Poe na busisiin ang P90-milyon federalism information campaign ng

Consultative Committee (ConCom), na binuo ni Pangulong Duterte at ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), kasunod ng kontrobersiya sa viral na “Pepedederalismo” video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kasama ang isang blogger.

“The video which showcased toilet humor on a rather serious issue does not help explain federalism to people, especially at a time when only 37 percent of Filipinos support the shift to a federal form of government and only one out of four Filipinos are aware of what federalism is, while another survey indicated that 62 percent of Filipinos reject a change to federalism for now,” saad sa Senate Resolution No. 821 ni Poe.

Giit niya, ang “public office is public trust” at kailangang ang mga opisyal ay magkaroon ng propesyunalismo sa pagpatupad ng tungkulin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaugnay nito, binigyang-diin naman ng Malacañang na pursigido ang Presidente na isulong ang pederalismo kaugnay ng pagdududa ni Fr. Ranhilio Aquino, miyembro ng ConCom, dahil na rin sa pagkontra rito ng sariling economic managers ni Duterte.

Una nang hinamon ni Fr. Aquino si Duterte na sabihin kung gusto o ayaw ang pederalismo, dahil iba ang sinasabi nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

“If he (Duterte) favors federalism, let him sack Dominguez and Pernia or command them to keep their traps shut,” saad sa Facebook post ni Aquino.

Paliwanag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kinuwestiyon lang si Dominguez sa draft ng federal constitution, at kailangang pag-usapan kung paano ito matutugunan.

-Leonel Abasola at Beth Camia