KINILALA ng Philippine National Police (PNP) ang La Trinidad municipal police station (LTMPS) bilang ‘top municipal police station’ sa buong bansa, kamakailan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng parangal na tinanggap ni LTMPS chief of police Chief Insp. Benson Macli-ing.

Para kay Macli-ing, ang nakamit nilang karangalan ay tanda ng pagkilala sa kahalagahan ng gawain na kanilang isinulong para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

“The ordinance on clustered neighborhood watch is now on second reading (at the City Council),” aniya. Ang mungkahing ordinansa ay daan sa pakikipagtulungan ng komunidad sa pag-uulat ng mga krimen at pag-iwas dito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ipinaliwanag din ni Magcli-ing na ang konsepto ng crime prevention ay “triangulated,” kung saan nagtutulungan ang komunidad, lokal na pamahalaan at ang pulisya.

Noong 2017, nakapagtala ang La Trinidad ng 230 kaso ng krimen, mahigit kalahati ang ibinaba nito mula sa 574 kaso noong 2016.

“This is the first time La Trinidad was recognized by the national headquarters of the PNP and we are also proud that we have been recognized by the regional office in terms of accomplishment. This award is not for me and the PNP, but for the community of La Trinidad, who participates in the peace and order programs and campaigns, as well as in solving crimes,” pagbabahagi ni Macli-ing.

Samantala nitong Hulyo 30, kinilala rin ang Baguio City Police Office (BCPO) bilang ‘Best City Police Station’ sa buong bansa sa Police Community Relations (PCR) activities.

Ang PCR activities ay malaking ambag umano sa pangkalahatang kapayapaan at pagsusulong ng kaunlaran sa lungsod gayundin sa bansa na daan para sa mas malapit na ugnayan ng PNP at mga mamamayan.

Umaasa ang pulisya sa pakikipagtulungan ng komunidad sa pangangalap ng impormasyon hinggil sa mga krimen nagaganap sa kanilang lugar.

PNA