GINAPI ni Grandmaster Jayson Gonzales si second seed GM Jorden Van Foreest ng the Netherlands sa ika-40 sulong ng English Opening para makisosyo sa ikalawang puwesto sa likod ng nagungunang si top seed GM Sandro Mareco ng Argentina sa ikapitong round ng 22nd Hogeschool Zeeland chess tournament nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Vlissingen, the Netherlands.

Kaagad na nakuha ni Gonzales, 49, ang bentahe sa opening play at kaagad na nadevelop sa positional advantage tungo sa panalo para sa kabuuang anim na puntos.

Nagwagi naman si Mareco kay Chinese GM Wang Yungu pata mapanatili ang solong pangunguna tangan ang 6.5 puntos tungo sa huling dalawang rounds ng nine-round tournament na nilahukan ng 240 players mula sa 19 bansa, kabilang ang 12 GMs, 16 IMs at 14 FIDE Masters.

Nanaig naman si WGM Janelle Mae Frayna kay Dutch International Master Merijn Van Delft sa ika-30 sulong ng English duel pata makausad sa top 10 na may 5.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!