ASAHAN ang paglahok ng mga celebrity guest sa ilalargang PTT Run for Clean Energy sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Grounds, ayon sa organizing Subterranean Ideas Entertainment.
“We invited celebrities to join us in this Run for Clean Energy project,” pahayag ni PTT media head Jay Julian.
Iginiit ni Julian na prioridad ng PTT ang adbokasiya para sa malinis at ligtas na kapaligiran.
Target din ng organizers na lagpasan ang 3,000 runners na nakiisa sa unang ratsada ng torneo sa nakalipas na taon.
“This is an advocacy run aimed at promoting the call for clean energy in our streets, work and homes, and PTT is a perfect partner in achieving this as its fuels release less black smoke and the emitted exhausts are now nano particles (the tiniest size),” pahayag ni PTT Run for Clean Energy Project Director Matt Ardina.
Suportado ang programa ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Business Mirror and Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administration, Mariano Marcos High School Batch ‘91 at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Layunin ng programa na maipakita ang positibong nagagawa ng pagkakaisa pata sa layuning mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng malusog na pakikiisa sa sports.
Bukas ang pagpapatala ng lahok sa Chris Sports branches ng SM Manila, SM North EDSA at SM Mall of Asia. Tatanggap din ng lahok sa mismong raceday sa CCP.
Nakataya ang race categories na 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), kung saan kasama na ang gagamiting race shirt, race bib at giveaways. Ang tatlong mangungunang runners sa 10K at 5k event ay may naghihintay na cash prizes at medalya.
Lahat ng kalahok ay kasali naman sa isasagawang raffle kung saan naghihintay ang mga ispesyal na papremyo tulad ng smartphones at gadgets.
Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa mobile no. 09186002411 at landline 9759584.
Ang sponsoring PTT Philippines -- subsidiary companies ng Thailand’s largest oil and gas company PTT Public Company Limited – ay aktibo rin sa mga programa hingil sa kalikasan.