Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na 80 porsiyento ng mga produktong ininspeksiyon sa mga pamilihan ay pasok sa itinakdang suggested retail prices (SRPs) ng ahensiya.

Ayon sa DTI, aabot na sa 299 na grocery at supermarket ang nainspeksiyon ng mga opisyal ng kagawaran.

Ikinatuwa ng ahensiya na ilan sa mga produktong ibinebenta ay mas mababa pa ang presyo kumpara sa SRP.

Tiniyak naman ng DTI, nananatili pa ring sapat ang supply ng mga bilihin sa buong bansa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kamakailan, humirit ng ikalawang bugso ng price hike ang mga manufacturer ng sardinas at de-latang pagkain/canned goods dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, palitan sa dolyar, raw materials at iba pa.

Bukod sa canned goods,tumaas ang presyo ng bigas,gulay,isda at karne sa mga pamilihan sa Metro Manila.

-Bella Gamotea