Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nabasa at nabulok ang aabot sa 5,000 sako ng bigas, na inangkat ng National Food Authority (NFA).
Paliwanag ni NFA spokesman Rex Estoperes, karamihan sa tinukoy na bigas ay nasa kanilang bodega sa Subic, Region 4 at National Capital Region.
Nilinaw naman ni Estoperes, walang epekto sa supply ng NFA ang pagkasira ng saku-sakong bigas.
Kung susumahin, aniya, .001 o wala pang isang porsiyento ng kabuuang volume ng bigas ang naapektuhan na isinisi sa masamang panahon.
Ayon kay Estoperes, hindi babayaran ng NFA ang mga nasabing bigas dahil sa kargo pa ito ng importer.
-Beth Camia