IBINASURA na ng representatives ni Demi Lovato ang mga nalalabing petsa sa world tour ng singer habang patuloy siyang nagpapagaling mula sa hinihinalang drug overdose.
Ang Confident ay nakatakdang sumabak sa final leg ng kanyang Tell Me You Love Me World Tour na may dalawang gigs sa Mexico sa Setyembre at anim pa sa buong South America sa Nobyembre, ngunit ang mga pagtatanghal na ito ay kinansela na dahil sa problema ni Demi sa kalusugan.
Nakasaad sa joint statement na inilabas sa TMZ ng event organisers sa Live Nation at Lotus Productions:M “(We) wish Demi Lovato the best now and in the future and we hope to see her soon in South America.”
Nauna nang kinansela ng managers ni Demi ang concert sa Atlantic City, New Jersey, at ang kanyang pagtatanghal sa isang charity gig sa Toronto, Canada nitong nakaraang buwan matapos siyang maospital sa Los Angeles noong Hulyo 24.
Inilabas siya mula sa Cedars-Sinai Medical Center nitong weekend, at iniulat na dumiretso sa isang rehabilitation facility sa labas ng California para simulan ang in-patient treatment sa pagsisikap na makabalik siya.
Anim na taon nang hindi gumagamit ng droga si Demi bago nangumpisal na muli na naman siyang tumikim nito sa candid lyrics sa kanyang huling single, ang Sober.
Ang 25-year-old, naging bukas sa kanyang pakikipaglaban sa alcohol at drugs, depression, eating disorders, at self-harming sa nakalipas, ay tinalakay ang kanyang health emergency sa unang pagkakataon sa personal statement na inilabas via Instagram nitong Linggo, nang mangako siya “to keep fighting” at pinasalamatan ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at medical staff para sa kanilang suporta sa mahihirap na sandali.
“I have always been transparent about my journey with addiction,” post ni Demi, ayon sa Cover Media. “What I’ve learned is that this illness is not something that disappears or fades with time. It is something I must continue to overcome and have not done yet.”
Ipinaliwanag niya na magpopokus niya ang kanyang sobriety at “road to recovery”, idinagdag na: “The love you have all shown me will never be forgotten and I look forward to the day where I can say I came out on the other side. I will keep fighting.”