UNITED NATIONS (AFP) – Hinarang ng Russia at China nitong Huwebes ang hiling ng US na idagdag ang isang Russian bank sa UN sanctions blacklist kasama ang isang North Korean official at dalawang kumpanya, sinabi ng diplomats.
Hiniling ng United States nitong nakaraang linggo sa UN sanctions committee na ipa-freeze ang assets ng Agrosoyuz Commercial Bank sa diumano’y pagtulong sa North Korea na makaiwas sa UN-imposed restrictions sa financial transactions.
Tinarget din ng request si Ri Jong Won, ang deputy representative ng Foreign Trade Bank ng NoKor at dalawang Korean front companies.
Bilang tugon sa council, nagpahayag ang Russia ng mga pagdududa sa mga alegasyon habang sinabi ng China na tutol ito sa panukalang sanctions ng US.
Nanawagan ang Russia at China sa Security Council na luwagan ang sanctions bilang gantimpala sa NoKor sa pakikipagdiyalogo sa US at pagtigil sa missile tests.
Ngunit nanawagan ang US na panatilihin ang ‘’maximum pressure’’ sa sanctions hanggang sa lubusang maibasura ng NoKor ang nuclear at ballistic missile programs.