HINDI lang mga simpleng mamamayan ang natutulungan ng Ardeur World, hindi rin lang simpleng mga Pinoy ang nahuhumaling sa mga produkto nito kundi maging ang sikat ngayon na aktor ng GMA-7 na si Ruru Madrid.

SUPORTADO ni actor Ruru Madrid ang adbokasiya ng Ardeur World sa masang Pinoy.

SUPORTADO ni actor Ruru Madrid ang adbokasiya ng Ardeur World sa masang Pinoy.

Bilang bagong endorser ng Ardeur, hindi umano maiwasan ni Ruru ang gamitin ng gamitin ang produkto.

Hindi rin niya aniya tatanggapin ang pag-endorso nito kung hindi siya naniniwala sa adhikain ng kompanya.

Relasyon at Hiwalayan

'Lahat kakayanin!' Ruru, 'di naniniwala sa '7-year itch'

Nagsimula ang Ardeur World Marketing Corp. noong August 2015 para mabigyan ng magandang oportunidad ang mga Pilipino sa ganitong negosyo.

Mula sa French perfume, beauty soap at personal care lines, lahat ng ‘yan ay subok na hindi lang ng mga buyer kundi pati na rin ng mga member nito. Swak na swak sa budget ang bawat produkto sa iba’t ibang lifestyle at personal needs kaya naman hindi mapagkakailang maraming tumatangkilik at lumalawak ang market ng Ardeur World.

Ardeur “The Scent of Success” ang linya ng kompanya na pinamumunaun nina Bismarck Turingan, Chairman; Arven Valmores, President; at Poj Obien.

Mahigit sa 100,000 members nito nationwide at humigit-kumulang 200,000 bottles ang nabebenta kung kaya’t hindi mapagkakailang ang Ardeur World MC ang leading company for French inspired perfume sa bansa.

Ang kanilang perfume o Ardeur de France ay French-inspired premium perfume na super long-lasting na tumatagal ng halos 24-48 hours! Ito ay may tig-11 perfume for men and women na maaaring pagpilian na nakapakete sa 60ml bottle.