GINAPI ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Marshalls, sa pangunguna ni Buboy Barnedo na kumana ng gamer-winning jumper, ang La Salle University Green Archers, 85-83, nitong weekend sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

Naisalpak ni Barnedo ang jumper may 4.6 segundo ang nalalabi para sa ikatlong sunod na panalo ng Marshalls sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Nanguna si Christian Alijecera sa naiskor na 23 puntos sa Marshalls.

Nagwagi naman ang national University-A, sa pangunguna ni Marc Diputado na tumipa sa 18 puntos laban sa St. Joseph College-Bulacan, 99-77.

Alex Eala, Francis Alcantara, laglag sa semis ng mixed double tournament ng 2025 SEA Games

Sa junior division, kumana si JC Luciano ng 15 puntos para sandigan ang Chiang Kai Shek College sa 100-61 panalo kontra San Beda-Mendiola A.

Pinataob ng La Consolacion College-Manila ang Mapua Red Robins, 68-63, para sa ikalawang sunod na panalo.