161.5 milyon ang nanood sa laban ng PH-China sa Fiba U-18 tilt

NONTHABURI, Thailand – Tulad ng inaasahan, ang duwelo sa pagitan ng Team Philippines-Gilas at China sa Group Phase ang pinakaabangan ng international basketball community sa ginaganap na FIBA U18 Asian Championship 2018 dito.

TUNAY na inabangan ng international basketball community ang duwelo ng Team Philippines at China sa Fiba Under-18 Asian Championship sa Thailand. (FIBA PHOTO)

TUNAY na inabangan ng international basketball community ang duwelo ng Team Philippines at China sa Fiba Under-18 Asian Championship sa Thailand. (FIBA PHOTO)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa record ng International Basketball Federation, umabot sa 1.5 milyon ang views ng laro sa FIBA’s Facebook, Youtube at Sina accounts, bukod pa sa mga tumutok sa Sports5 Philippines Facebook page at Tencent.

Ang hidwaan ng Philippines at China ay tradisyon nang inaabangan sa international tournament. Kapwa nagpapamalas ng katatagan, lakas at determinasyon ang magkabilang kampo na ikinalulugod panoorin ng local at international fans.

At maging ang junior rivalry sa FIBA U18 Asian Championship ay patok sa takilya at tunay na dinumog sa venue at live broadcast sa international community.

Ang kabuuang 1.5 million viewers ay patunay lamang na inabangan ang laro ng magkaribal kung saan nagawagi ang Team Philippines, 73-63, upang walisin ang Group B elimination at awtomatikong makausad sa quarterfinals. Nanganilangan naman ang China ng panalo sa Indonesia para manatiling buhay ang kampanya sa torneo.

Haharapin ng Nationals ang Bahrain sa krusyal na bahagi ng liga -- quarterfinal kahapon sa Stadium 29.

Target ng Pinoy cagers na makamit ang isa sa apat na tiket para sa 2019 Fiba Under-19 Basketball World Cup na gaganapin sa susunod na taon.

Nakatakda ang laro ganap na 1:45 n.h. kung saan liyamado ang Team Philippines na mapanatili ang mainit na ratsada at bigyan dangal ang bayan na nadungisan sa rambulan na kinasangkutan ng PH men’s team laban sa Australian Boomers sa FIBA World Asia qualifying nitong Hulyo 2 sa Philippine Arena.

Kabuuang 13 players, kabilang ang siyam mula sa Gilas Pilipinas ang sinuspinde ng FIBA habang pinagmulta rin sina coach Chot Reyes, asst. coach Jong Uichico at ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

Muli, sasandig ang Nationals kay Britain-based 6-foot-10 Fil-Nigerian big man AJ Edu na nakapagtala ng averaged 14.5 points, 11.3 rebounds, at tournament-high 3.7 blocks.

Hindi rin pahuhuli si Dave Ildefonso na may averaged 13.0 points and 4.3 rebounds, gayundin si 7-foot-1 center Kai Sotto na kumana ng 12.3 puntos at 8.7 boards, habang ang Rome-based guard na si Dalph Panopio ay may numbers na 10.3 points, 4.7 rebounds, 4.7 assists at tournament-best 2.0 steals.

Hindi naman pipitsugin ng Bahraini side na matikas ang gumapi sa liyamdong Chinese Taipei, 76-65, nitong Miyerkoles.

Nanguna sa Mustafa Husein Ali Ahmad Rashed sa Bahrain na may averaged 17.5 puntos.