Dahil sa pagkakasangkot umano sa mga katiwalian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isang Pasay City prosecutor ang ipinatapon sa Mindanao.

Hindi na pinayagang makabalik sa kanyang puwesto si dating Pasay Officer-in-Charge (OIC) Prosecutor Benjamin Lanto, matapos umanong madawit sa tangkang pagpupuslit ng mga alahas sa NAIA, na pag-aari ng kamag anak nito.

Nagpasalamat naman si Pasay City OIC Dolores Rillera kay Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra sa pagpapalabas ng pinal na desisyon na nag-aatas kay Lanto na hindi na siya maaring bumalik sa Pasay City Hall of Justice, habang pinagtibay naman ng kagawaran ang appointment ni Rillera na manatili sa pwesto.

Nag-ugat ang kontrobersiya laban sa piskal makaraang pakawalan at iutos umano na isailalim sa full blown preliminary investigation ang mag-asawang Abraham Mimbalawag at Bang-sa Mimbalawag, gayundin ang NAIA Customs Operations Officer na si Lomontod Macabando, na hinihinalang sangkot sa sindikato ng jewelry smuggling.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pinaiimbestigahan sina Pasay Prosecutor Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva, at Assistant Prosecutor Florenzo dela Cruz, na unang pinangalanan ni Pangulong Duterte na posible umanong sangkot sa katiwalian.

-Bella Gamotea