CAMP BADO DANGWA, Benguet – Winasak at sinilaban ang aabot sa P29.2 milyon halaga ng tanim sa isang marijuana plantation, sa pangunguna ng mga tauhan ng anti-illegal task force ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga, nitong Miyerkules.

Sinunog ng pinagsama-samang operatiba ng Tinglayan Municipal Police, Kalinga Drug Enforcement Unit, Kalinga Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 15, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR), ang nasa 146,200 fully grown marijuana plants na nadiskubre sa 17 plantation site sa tanimang aabot sa 19,510 square meters.

-Rizaldy Comanda
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso