Nasa anim na porsiyento lang ang gross domestic product (GDP) growth ng bansa sa ikalawang quarter ng 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang kinumpirma kahapon, kasunod ng naitalang 5.7% inflation rate noong Hulyo.

Ayon sa PSA, mabagal ang 6.0% na GDP growth kumpara sa 6.6% na naitala noong unang quarter ng taon, at 6.7% naman noong ikalawang quarter ng 2017.

Sinabi ng PSA na lubhang mababa rin ang nasabing growth rate kumpara sa target ng gobyerno na 7-8% growth.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang pagbagal ng GDP growth ay maaaring dahil sa ilang polisiya na isinusulong ng pamahalaan.

Kabilang dito ang pansamantalang pagpapasara sa pangunahing tourist destination sa bansa, ang Boracay Island, na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag ni Pernia, kung hindi tumaas ang inflation rate ay posibleng umabot sa 7-8% ang GDP growth ng bansa.

-Beth Camia