Arestado ang iniulat na officer-in-charge ng Commission on Elections (Comelec) sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Gitagum, Misamis Oriental, nitong Miyerkules.

Sa report ng PDEA-10, inaresto si Jose Mari Fernandez, nasa hustong gulang, sa buy-bust operation sa Barangay Iponan, Gitagum.

Matapos umanong makabili ng P1,000 halaga ng shabu ang isang tauhan ng PDEA na nagsilbing poseur buyer, agad inaresto si Fernandez.

Nasamsam kay Fernandez ang sampung pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 10 gramo at nagkakahalaga ng P100,000.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa follow-up operation, nahuli ang isa pang lalaki dahil sa ibinigay na impormasyon ni Fernandez.

Nakabili rin sa suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu, sa halagang P1,000, at kasalukuyang iniimbestigahan.

Kakasuhan si Fernandez ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Fer Taboy