Ikinokonsidera na ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagsasampa ng kaso laban sa blogger na si Drew Olivar hinggil sa mga tirada at seksuwal na alegasyon nitong ipinupukol sa Bise Presidente sa panibago nitong viral video.

Inihayag ni Atty. Barry Gutierrez, vice presidential spokesperson, na mahigpit na pinag-aaralan ng mga abogado ni Robredo ang posibilidad ng pagsasampa ng kaso laban kay Olivar hinggil sa video nito online na makikitang minumura nito ang Pangalawang Pangulo.“Our legal team is currently looking into the possibility of filing a criminal complaint. Do stay tuned,” tweet ni Gutierrez, na legal adviser din ni Robredo.

Hindi ikinatuwa ng kampo ni Robredo ang video ni Olivar na in-upload sa Twitter kung saan binabatikos nito si Robredo sa naging biyahe nito sa South Africa noong Abril 2017, kung saan dumalo ang opisyal sa women conference at nakipagdayologo sa South African parliament tungkol sa kurapsiyon. “Nasaan ka na, Leni? Forty-eight years ka nang nandiyan sa South Africa. Wala ka pa rin dito. Photo op ka parati diyan, put*** i** mo,” akusasyon ni Olivar.“Pasiklab ka na naman, mabait ka na naman na parang tumutulong ka. Eh nandiyan ka naman talaga para nagpapakan**t. Kahit naririnig ng mga tao, wala [akong] pakialam kahit public scandal ‘to,” dagdag pa nito.

Pinaratangan din nito si Robredo ng umano’y paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pag-aaral ng anak.“’Yang anak mo, mag-aaral sa Harvard P150,000 or P200,000 ang lifestyle, tapos wala namang gagawin sa bayan,” ani Olivar.Matatandaang si Olivar rin ang blogger na nagsayaw ng kontrobersiyal na “Pepedederalismo” jingle para sa promosyon ng pederalismo, kasama si Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa isang Facebook Live ng “Good News Game Show.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

-Raymund F. Antonio