Kinuwestiyon ni Senador Francis Escudero ang panukalang magkaroon ng P90 milyon budget ang Federal Constitution (FedCon) kahit hindi pa naman ito aprubado ng Kongreso.

Sa pagdinig kahapon, inusisa ni Escudero si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia kung magkano ang magagastos ng gobyerno sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan tungo sa pederalismo.

Inirason ni Pernia na kailangang maglaan ng P120 bilyon para rito. Sinopla ito ni Escudero na nagsabing mayroon ng P90 milyong paunang pondo para naman sa information dissemination pero hindi lang matukoy kung saan ito nanggaling.

“Saan pong item chinarge ‘yun, under the DAP (Disbursement Acceleration Program) ruling? I don’t recall an item in the budget for 2018 on the information dissemination campaign for federalism,” tanong ng senador.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, maging ang paliwanag ni Communications Secretary Martin Andanar ay mahirap ding paniwalaan dahil nga sa hindi pa naman ito aprubado.

“Wala pa ngang approved federalism. Ano’ng ikakampanya natin We don’t even know in what shape, size, color or form that is? What will we disseminate,” pahayag nito.

Sinuportahan naman ni Senator Loren Legarda, chairman ng committee, ang paliwanag ni Escudero at sinabing kung gagamit ng pera mula sa buwis at para sa information dissemination, dapat na nakabatay ito sa komprehensibo at maayos na pananaliksik.

-Leonel M. Abasola