Nilagdaan nitong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Identification System Act (PhilSys).

Layunin nitong mabawasan ang corruption, masupil ang bureaucratic red tape, maiwasan ang fradulent transactions at representations, mapalakas ang financial inclusion, at maisulong ang pakikipagnegosyo.

Ngunit paano nga ba ang sistema sa National ID, o PhilID?

Privacy

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa Republic Act No. 11055 na inilabas kahapon, isang resilient digital system ang ide-deploy para i-secure ang data na nakolekta at matiyak ang right to privacy, confidentiality, at iba pang basic rights.

Mga layunin

Itinatag ang PhilSys upang magkaroon ng valid proof of identity para sa lahat ng mamamayan at resident aliens at pasimplehin ang public at private transactions.

Ito ang maglalabas ng PhilSys Number (PSN) na gagamitin para i-authenticate ang pagkakakilanlan ng isang tao. Nanganghulugan ito na hindi na kailangang pang magbigay ng maraming valid o government-issued IDs sa mga opisina ng gobyerno o private establishments para patunayan ang identity ng isang tao.

“An individual’s record in the PhilSys shall be considered as an official and sufficient proof of identity,” nakasaad sa Section 6 ng batas.

Batay sa batas, ang PSN, randomly generated unique number, ay permanent number na itatalaga sa bawat Pilipino sa kanilang pagsilang, o sa resident alien sa kanilang pagpaparehistro sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang PhilID

Ang Phil-ID, nontransferable card, ay ibibigay sa lahat ng citizens o registered aliens. Libre ang initial issuance at renewal ng PhilID.

Kabilang sa mga impormasyon na lalamanin ng Phil-ID ay full name, gender, blood type, place of birth, address, at marital status (optional). Mayroon itong QR code na naglalaman ng fingerprint information at iba pang security features.

PhilSys Registry

Ang impormasyong nakaimbak sa PhilSys registry ay demographic data ng full name, sex, date at place of birth, blood type, address, at kung ang citizen ay Filipino o resident alien. Optional information naman ang marital status, mobile number, at e-mail address.

Kokolektahin ang biometrics information at ilalagay sa registry sa front facing photograph; full set of fingerprints; iris scan; at iba pang identifiable features.

Paano magparehistro

Isang taon matapos magkabisa ang batas, ang residente ay dapat na magparehistro nang personal sa alinmang mga opisina: PSA regional at provincial offices, local civil registry offices, Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (HMDF), Commission on Elections (Comelec), Philippine Postal Corporation (PHLPost), at iba pang ahensiya ng pamahalaan o opisina na itinalaga ng PSA.

Kung ang Filipino citizen ay naninirahan sa ibang bansa, magparehistro sa Philippine Embassy o Philippine Foreign Service post, o iba pang registration centers na itatalaga ng Department of Foreign Affairs (DFA).

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS