HABANG isinusulat namin ang balitang ito ng 9:00 am kahapon (6:00 pm naman sa Los Angeles) ay hindi pa nakakapasok ang lahat ng imbitado, kabilang na ang mga artista, sa Hollywood red carpet premiere ng pelikulang Crazy Rich Asians, sa TCL Chinese Theater, Hollywood Boulevard, CA, USA.

Kris copy

Tinanong namin si MJ Marfori, ang TV5 correspondent na magko-cover sa event, kung nagsimula na ito.

“Wala pa, pila-balde (mahaba ang pila) sa entrance. Kaloka ang init,” aniya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Isang oras bago ang nasabing event ay ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang isa sa mga gown na isusuot niya sa premiere, na pawang magaganda lahat at talagang prinsesa ang dating niya. Bagay na bagay sa papel niya bilang Princess Intan sa pelikula.

“We tried 5 gowns by @francislibiran8 & @michaelleyva, I’m definitely wearing 1 of these. My jewelry was created by @diagold_ph. Makeup is by @rbchanco. Many thanks to now LA based @pinantonio for my hair. #kaysarapmagingpilipino #pinoypride.

“See you all at the Hollywood red carpet premiere of @crazyrichasians. (song credit: Impossible Dream sung by @jedmadelaofficial from the album Paalam, Maraming Salamat from @starmusicph).”

Pawang magaganda ang lahat ng gowns, dalawang pink at tatlong yellow, pero para sa amin ay mas stand-out ang kulay dilaw.

Samantala, base sa report ni MJ nitong Martes sa Aksyon News 5, dumalo si Kris sa meet and greet na inihanda ng Filipino-Chinese community na ginanap sa Asian Journal office sa Los Angeles, California nitong Lunes ng tanghali. Kahit nanghihina pa rin ay nagawa pa ring sagutin ng aktres ang lahat ng tanong ng mga kababayan niyang nasabik siyang makita nang personal.

Nabanggit din sa report na aabot sa 200,000 Pinoy mula sa iba’t ibang state sa Amerika ang dadalo sa nasabing red carpet premiere ng Crazy Rich Asians para ipakita ang suporta ng mga Pilipino sa sariling kababayan.

Base sa video ni MJ, inuusisa ng mga kababayang Pinoy ang rashes na nasa kaliwang braso ni Kris, kaya nagkuwento ang huli kung ano ang nangyari sa kanya.

Ipinasilip din ni Kris ang pawang antigo na alahas na gagamitin niya para sa premiere kinabukasan.

Kriss copy

Sa panayam kay Kris, sinabi niyang isusulot lang niya ang mga nasabing alahas pagpunta sa premiere night, pero bago siya umuwi ay tatanggalin na niya. Natatakot kasi siyang baka mawala ang mga ito, na ang presyo ay mas mahal pa sa pagpapatayo ng isang gasolinahan.

Bagamat dalawang minuto lang ang exposure ni Kris sa Crazy Rich Asians, pero hindi ito dapat ipagwalang-bahala dahil Malay royalty ang karakter niya, at the fact na nakuha niya ang role ay malaking bagay na iyon para sa mga Pilipino.

Isa ring Pinoy ang gumagawa ng pangalan sa Hollywood, si Nico Santos, na gaganap bilang fashion designer, at tutulungan manamit ang bidang babae sa pelikula na si Rachel Chu (Constance Wu).

Samantala, saktong 9:35 am ay nag-Instagram Live si Kris kahapon, at Filipiniana yellow gown ang isinuot niya, disenyo ni Michael Leyva. Ang bunsong si Bimby ang escort niya, at nakasuot ng Barong Tagalog ang binatilyo. Habang naglalakad siya ay tinatawag ang pangalan niya ng lahat ng Pinoy na naroon para i-congratulate siya at magpa-picture, na pinagbigyan naman ni Bimby.

Pasado 10:00 am nang maputol ang IG Live ni Kris dahil pinapapasok na silang lahat sa loob ng venue.

Base naman sa video post ni MJ sa kanyang IG: “LOOK: @krisaquino and Bimby on the green carpet for #CrazyRichAsians! Check her Michael Leyva outfit!! Grabe agaw-eksena siya, tumawid sa fans across Hollywood Blvd para makipag-photos. Siya lang may fans club na nag-abang. Will post interview with her in a bit after the carpet. #CelebrityAksyon @tv5manila.”

Naaliw kami sa report ni MJ na si Kris lang ang may fans club na nag-aabang sa kanya sa nasabing red carpet premiere ng CRA. Marahil lahat ng artists na kasama sa pelikula ay naniniwalang super sikat talaga si Princess Intan sa Pilipinas.

-REGGEE BONOAN