SA huling pagkakataon ay bibirit si Anne Curtis sa kanyang upcoming concert na marka ng kanyang ‘crazy 21 years’ sa showbiz.

Anne copy

Kahit na Anne “needs improvement” sa pagkanta, mayroon anman siyang tatlong album, at ang isa pa rito ay naging Platinum.

Nang kapanayamin si Anne kamakailan, nagbigay siya ng payo sa mga aspiring singers na gaya niya, ay hindi nabiyayan ng perfect pipes: Just sing.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I feel blessed that somehow I was able to help other people in building their confidence in singing out loud. I believe you just have to dream, you just need to have that confidence to do whatever you want, to sing. At the end of the day, you just have to embrace your voice,” sabi ni Anne. “The big reason we can’t sing has to do with perception. If you do have all the tools you need to sing, so sing. Don’t mind the haters.”

Naghahanda na si Anne para sa kanyang ikatlong major concert sa Araneta Coliseum ngayong Agosto. Ito ang kanyang huling concert, na kanyang “promised,” at sinabi pa niyang handa na siyang isuko ang kanyang singing career, at hangaring mas pagtuunan ng pansin ang kanyang hosting at acting side.

“I feel that this should be the last because I’ve already enjoyed being a singer. Let’s focus on the acting because I also have ‘Aurora’ (for 2018 MMFF). But before I say goodbye to it, I just wanted to say that singing is not all about being ‘sobrang magaling.’ You just need to put your heart into it.”

Directed by Paul Basinillo at Louie Ocampo bilang musical director, ang ANNEkulit: Promise Last Na ‘To ay gaganapin sa Agosto 18 sa Smart Araneta Coliseum.

-REGINA MAE PARUNGAO