Sa mga kamay mismo ng dating mga kabaro nalagutan ng hininga ang isang retiradong pulis sa buy-bust operation sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

Sa report ni Police Chief Insp. Jowilouie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcemeny Unit (SDEU), kay Police Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, dead on arrival sa Valenzuela Emergency Hospital si retired PO2 Exiquel Sangco, 55, ng General Luna Street, Caloocan City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Bilaro, matagal nang under surveillance si Sangco dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Bukod s a n a s a drug watchlist ng Valenzuela Police, kabilang din ang suspek sa talaan ng PDEA at sa listahan ni Pangulong Duterte sa illegal drug activities.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Ikinasa ng SDEU ang buy-bust operation, isa sa mga tauhan ng PDEA ang nagsilbing poseur buyer, dakong 9:25 ng gabi.

Nahalata umano ni Sangco na pulis ang kanyang kaharap kaya bumunot ng baril, ngunit inunahan na siyang itumba ng mga pulis.

Nakuha sa suspek ang isang cal. 9mm, 21 pakete ng umano’y shabu at 25 pang maliit na pakete ng shabu.

-ORLY L. BARCALA