Appropriations nitong Lunes na matatanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang P854 milyon budget para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite na gaganapin sa Enero 2019.

THIS IS IT! Ipiniprisinta ni Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) kasama ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front, kabilang sina Al Haj Murad Ebrahim (kaliwa), Mohagher Iqbal (kanan), at Ghadzali Jaafar (pangalawa mula kaliwa) ang nilagdaang “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao” sa Malacañang Palace sa Manila, nitong Lunes. (AP /Bullit Marquez)

THIS IS IT! Ipiniprisinta ni Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) kasama ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front, kabilang sina Al Haj Murad Ebrahim (kaliwa), Mohagher Iqbal (kanan), at Ghadzali Jaafar (pangalawa mula kaliwa) ang nilagdaang “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao” sa Malacañang Palace sa Manila, nitong Lunes.
(AP /Bullit Marquez)

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, vice chairman ng komite, na ang implementasyon ng BOL ay priority mandate ng administrasyon.

Kinumpirma ni Rep. Antonio Tinio (ACT TEACHERS Party-List) na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial signing ng BOL sa Malacañang nitong Lunes.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Sa presentasyon ng Republic Act Number 11054 o ng “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao” sa Malacañang nitong Lunes, binigyang-diin ni Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza na ito ay simula pa lamang ng paglalakbay tungo sa kapayapaan.

Positibo si Government Panel Implementing Chair Nabil A. Tan sa magandang idudulot ng batas sa Mindanao.

Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mamamayan ng Bangsamoro na makilahok sa gaganaping plebisito na tutukoy sa territorial jurisdictionng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga teritoryo na magiging bahagi ng BARMM ay tutukuyin sa plebisito na gaganapin 90 araw o hindi lalagpas sa 150 araw matapos magkabisa ang batas. Nilagdaan ng Pangulo ang BOL noong Hulyo 27.

Ayon sa bagong batas, sasakupin ng plebisito ang mga lalawigan na kasama sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), anim na munisipalidad sa lalawigan ng Lanao del Norte, 39 na barangay sa North Cotabato, mga lungsod ng Cotabato at Isabela sa lalawigan ng Basilan, at ang mga qualified for inclusion sa pamamagitan ng petisyon o resolusyon.

-Bert De Guzman at Francis T. Wakefield