HASHTAG #FamilyGoals o #FamilyRelationshipGoals ang hatid ng family picture nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon kasama ang mga anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine. Kuha ang litrato sa college graduation ni Diego kaya sila nagsama-sama.
Ito ang maganda kina Monching at Lotlot. Kahit hiwalay na sila, kapag kailangan nilang magsama para sa mga anak ay gagawin nila ito. Kaya naman kita sa mukha ng kanilang mga anak ang saya.
Caption ni Janine: “Good job fam”.
May komento rin si Diego: “We made it, fam.”
Hindi ipinost ni Lotlot sa IG niya ang picture nila ni Monching with their children, pero may heartwarming message siya kay Diego na kung babasahin ay ramdam ang pagmamahal at pagmamalaki niya sa anak.
Nagsama-sama at nabuo na rin ang pamilya nina Monching at Lotlot nang lumipat si Janine sa tinitirahang condo ngayon. Present ang parents ng dalaga at kanyang mga kapatid sa unang araw niya sa condo.
-Nitz Miralles