Nagkabutas-butas sa bala ang katawan ng umano’y holdaper nang manlaban sa mga pulis habang napilitang sumuko ang kasamahan nito sa follow-up operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dean on arrival sa Jose N. Rodriguez Hospital si Fernando Panti, alyas Andoy, 25, ng Phase 8A, Package 10, Block 152, Barangay 176, Bagong Silang ng lungsod.

Sumuko naman ang kasamahan nitong si Nino Ubalde, 32, nang makitang duguang humandusay ang kaibigan.

Una rito, hinoldap ng mga suspek ang isang estudyante, 25, sa Bagong Silang, dakong 3:00 ng madaling araw.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Humingi ng tulong ang estudyante sa PCP 3 at inilarawan ang mga suspek.

Pagsapit ng 4:00 ng madaling araw, naispatan ng mga pulis ang mga suspek na pagala-gala sa lugar at sinita.

Gayunman, bumunot ng baril si Panti at binaril ang awtoridad ngunit walang tinamaan at siya ay ibinulagta.

-Orly L. Barcala