Habambuhay na pagkakakulong ang inihatol ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) sa isang tulak ng ilegal na droga, makalipas ang mahigit apat na taong paglilitis.

Sa walong pahinang desisyon ni Hon. Judge Lilia Mercedes Encarnacion A . Gepty ng Valenzuela City RTC Branch 75, napatunayan na nagkasala si Joven Tanon, ng Tiwala Street, Barangay Dalandanan, Valenzuela City sa mga kasong Criminal Case No. 294-V-14 for Violation of Sec. 5, Art. 2 of RA 9165 at Criminal Case No. 295-V-14 for Violation of Sec. 1, Art. 2 of RA 9165.

Bukod sa hatol na life imprisonment, pinagbabayad din si Tanon ng P300,000 para sa kasong Sec 11 at P500, 000 para naman sa paglabag sa Sec. 5.

Sa record ng Valenzuela Police, nadakip ang suspek sa buy-bust operation sa Tiwala St., noong Marso 11, 2014.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

-Orly L. Barcala