Patay ang isang 89-anyos na British dahil umano sa mataas na lagnat sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Asian Hospital si Harold Hendry y Gordon, retired engineer, ng No. 267 Portfolio South, Barangay, Almanza 2, Las Piñas City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), inapoy ng lagnat ang biktima kaya isinugod sa ospital ni Teresa Tredez y Vegafria, 44, caregiver, dakong 10:00 ng gabi.

Nakatakdang ipabatid sa British Embassy ang pagkamatay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Probinsya

Lalaking nakiusap na hinaan ang speaker sa inuman, patay sa saksak!

-Bella Gamotea