(UPI) – ‘Love for music never ages’ para sa dalawang lolo, matapos silang tumakas sa isang nursing home sa Germany para dumalo ng heavy metal festival.

Elderly-German

Nadiskubre ng mga opisyal ng nursing home na nawawala ang dalawang matanda kaya agad nitong inalerto ang pulisya at natagpuan ang dalawa sa Wacken Open Air, ang pinakamalaking heavy metal festival sa buong mundo na isinasagawa kada taon sa Wacken, Schleswig Holstein.

Bagamat “disoriented and dazed” ang dalawang matanda, ayaw umanong umalis ng mga ito sa concert.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“They obviously liked the metal festival,” pahayag ni police spokeswoman Merle Neufeld. “The care home quickly organized return transport after police picked them up.”

Ligtas naman umanong nakabalik sa nursing home ang dalawang tumakas matapos i-enjoy ang festival.