MAGRERETIRO na sa pag-arte ang Oscar winner na si Robert Redford, kapag naipalabas na ang kanyang upcoming film na The Old Man & The Gun, inamin ng 81 taong gulang na aktor sa Entertainment Weekly, sa istoryang inilathala nitong Lunes.

Robert

Kilala sa kanyang mga pelikulang Butch Cassidy and the Sundance Kid at Out of Africa, gaganap si Robert na magnanakaw sa bangko sa bago niyang pelikula, na ipalalabas sa Setyembre.

“Never say never, but I pretty well concluded that this would be it for me in terms of acting, and (I’ll) move toward retirement after this ‘cause I’ve been doing it since I was 21,” sinabi ni Robert sa magazine.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“I thought, well, that’s enough. And why not go out with something that’s very upbeat and positive?” dagdag pa niya.

Sa pelikula, gaganap si Robert bilang si Forrest Tucker, isang real-life career criminal na nahuli at napag-alamang 17 beses nang nagnakaw sa mga bangko.

“To me, that was a wonderful character to play at this point in my life,” sinabi ni Robert tungkol sa karakter niTucker, na mahigit 60 taon nang nagnanakaw.

“It made me wonder: I wonder if he was not averse to getting caught so he that could enjoy the real thrill of his life, which is to escape?”

Nagsimula ang pagpasok ni Redford sa pelikula noong 1967, nang gumanap siya sa role sa Barefoot in the Park katambal ni Jane Fonda, at mula noon ay bumida na rin siya sa classic movies gaya ng The Sting at All The President’s Men.

Noong 1980, nagwagi siya ng Academy Award para sa kanyang directorial debut, sa Ordinary People at noong 2002 naman ay tumanggap siya ng Lifetime Achievement Oscar.

Nang tanungin kung magreretiro na rin ba siya sa pagdidirek, ani Robert: “We’ll see about that.”

-Reuters