Nananatiling naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol, kasunod ng nangyaring pagsabog sa Masbate City Port, kamakailan.

Ayon kay Lt. Marlowe Acevedo, tagapagsalita ng PCG-Bicol, mas pinaigting nila ang safety at security inspection sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nakikipag-ugnayan na rin, aniya, sila sa Philippine Ports Authority (PPA), Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mas malalim na imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa Masbate City Port at dinagdagan na rin ang mga K9 unit na ipinakalat sa mga pantalan.

Nauna namang inihayag ni Supt. Paul Cabug, hepe ng Masbate City PNP, na hinihintay pa nila ang resulta ng chemical examination ng Provincial Crime Laboratory sa Masbate Police Provincial Office (MASPPO) sa narekober na piraso ng pampasabog upang malaman kung anong klase ng bomba ang ginamit ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nananatili umanong naka-standby alert ang kanilang mga tauhan sa lalawigan, upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente.

-Beth Camia