Maraming dapat ikonsidera para maibalik sa United States ang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaya’t makikipag-ugnayan na ang Department of Justice (DoJ) sa Sandiganbayan.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang Sandiganbayan ang may eksklusibong hurisdiksiyon sa mga kaso ni Napoles, na sinampahan ng $20- million money laundering case sa US.
Dahil dito, mas maigi umanong konsultahin ang anti-graft court kapag natanggap na ng opisina ni Guevarra ang request mula sa kanilang counterpart sa US, dahil mayroon lamang dalawang option na available sa ilalim ng Philippines-US extradition treaty.
Paliwanag niya, sa ilalim ng treaty ay pinapayagan ang agarang extradition kay Napoles, at ang suspension ng kanyang kasong plunder at iba pa.
-Beth Camia