Sa lahat ng bahagi ng katawan na maaaring paglagyan ng advertisement, kilikili ang napili ng isang Japanese company na naniniwalang ito ang “prime real-estate” at sinimulan na ng kumpanyang ito ang paghahanap ng mga babaeng model na maaaring maglakad habang may nakadikit na ad sa kanilang kilikili.
Sa halagang $89.99 kada oras, ididikit ng Wakino Ad company sa kilikili ng modelo ang isang ad habang gagawa ito ng paraan para makita.
Bagamat kakaiba, agad umanong nakakuha ng kliyente ang kumpanya para sa advertisement ng isang beauty treatment and dermatology chain.