Pitong high value target (HVT) ang magkakasunod na dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cagayan at Isabela sa Cagayan Valley region.

Kinilala ng PDEA ang pitong inaresto na sina John Andre Santos, ng Barangay Calaocan, Alicia, Isabela; Ryan Cabugatan , 20, ng Purok Dupax, Bgy. Aurora, Alicia, Isabela; at Cejay Ulip, 21, ng Antonino, Alicia, Isabela.

Kabilang din sa dinampot sina Jojo Dumaliang, Bgy. Kagawad, 40, ng Purok 1, Bgy. Calaocan, Delfin Albano, Isabela; Esmeraldo Subia, Charles Garcia; at Arlene Uabrre, ng Bgy. Zitanga, Ballesteros, Cagayan.

Sinimulan ang nasabing drug operation sa Cagayan Valley region nitong Agosto 1-3, at nakumpiska ang aabot sa 1,700 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, cal .45 pistol, hand granade; dalawang cal .45 magazine na kargado ng 13 bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of illegal drugs), Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions).

-Liezle Basa Iñigo