Pinag-i-inhibit ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Inihain ni Marcos ang kanyang petisyon sa Supreme Court na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET).
Ayon kay Marcos, hindi maitatanggi ni Caguioa ang pagiging bias nito dahil kaibigan nito si dating Pangulong Benigno Aquino III, na kapartido ni Rodredo. Binanggit niya na itinalaga ni Aquino si Caguioa bilang Chief Presidential Legal Counsel, Justice Secretary at justice sa Korte Suprema.
Si Caguioa ang justice-in-charge sa election protest ni Marcos na nakabinbin ngayon sa PET.
-Beth Camia