MAS pinaigting ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa Asian boxing community matapos ang pakikipagkasundo ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa International Boxing Federation (IBF)-China at Rejoy International Holdings (Beijing) Co. Ltd.

MAS maigting na ugnayan sa Asian boxing community ang naselyuhan ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (ikatlo mula sa kaliwa) matapos ang pakikipagpulong kina (mula sa kaliwa) Andrew LU, Senior VP, Rejoy International Holdings (Beijing) Co. Ltd.; Ruihang Wang, President of IBF B&R and IBF China; Daryl Peoples, President of the international Abiding Federation (IBF); at Anibal Miramontes, Chairman ng IBF Ratings Committee sa ginanap na IBF Silk Road Champions Tournament nitong weekend sa Macau

Nilagdaan nina Mitra, IBF-China President Ruihang Wang at RIH (Beijing) Sr. Vice President Andrew Lu ang limang taong ‘tripartite agreement’ para palakasin ang mga programa ng boxing sa Asia.

Batay sa kasunduan, magsasagawa ang Rejoy Holdings ng friendly matches, training camps para sa mga Pinoy at Chinese boxers, gayundin ang pagorganisa ng IBF Silk Road Champions Tournaments.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magsisilbi naman host ang China IBF sa mga laban, camps at championship matches, habang ang GAB ang mangangasiwa sa pagpapadala ng high-level boxers, judges, referees, coaches at trainers.

“Everyone is focused on pushing Asian boxers, specifically from the Belt & Road countries (China ...... & the Philippines), towards global domination of the popular sport. The fights will be run under the Rules & Regulations Governing Professional Boxing sanctioned & agreed upon by the GAB and the IBF,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Congressman at Governor.

“A type of home and away format will be adopted to sharpen boxers’ versatility to fight skillful opponents in diverse environments. The physical demands of training & fighting in extremely different climatic conditions and altitudes than home soil will toughen up our boxers.”

“Fans will love the regular friendlies & championships to be held in both countries. They will enjoy fights by international fighters right in their countries. We know how fans are though. A great number would surely travel to support their countrymen fighting abroad,” aniya.

Ayon kay Mitra, sentro rin ng ugnayan ang mapalakas ang antas ng sports at skills ng mga fighters sa rehiyon upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga asian fighters na makapasok sa international ranking.

“If we continue the momentum expected to be generated by this tripartite agreement, boxing matches will once again empty the streets, even stop traffic and crime. All parties will work towards making China and the Philippines the home of boxing greats thru this agreement,” pahayag ni Mitra.