Arestado ang apat na estudyante ng isang unibersidad sa Maynila, matapos masangkot sa pagdukot sa kanilang kamag-aral na iniulat na anak ng mayamang negosyante.

Ayon kay Chief Supt. Glenn Dumlao, director ng Anti-Kidnapping Group (AKG), tinutugis din nila ang anim na fraternity brothers ng mga suspek na katuwang sa pagdukot sa biktima malapit sa Central Station ng Light Rail Transit (LRT), noong Agosto 1.

Kinilala ang mga suspek na sina Ferdinand dela Vega, Jr., Ralph Emmanuel Camaya, Jhulius Atabay at Justine Mahipus habang patuloy na tinutugis sina Eriek Candaba, Gabriel Gabi, Billy Rocillo, Arvi Velasquez, Miguel Austria, at Kim Pascua.

Ayon kay Dumlao, anim na armadong lalaki na sakay sa puting Toyota Innova ang dumukot sa biktima at kanyang kasama, si Atabay, habang naghihintay ng bus malapit sa LRT Central Station, dakong 9:30 ng gabi noong Agosto 1.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“While on the way to the safehouse, they dropped Atabay,” sabi ni Dumlao.

Nag-demand ang mga kidnappers ng P30 milyon para palayain ang biktima.

Natunton ng mga tauhan ng AKG ang safe house sa Balut, Tondo sa Maynila at nasagip ang biktima at naaresto ang tatlong suspek nitong Biyernes, bandang 10:30 ng umaga.

PAANO NARESOLBA?

Sinabi ni Dumlao na si Atabay, ang kasama ng biktima na dinukot din, ang naging instrument upang maresolba ang kidnapping.

Aniya, sa imbestigasyon ang kanyang mga tauhan ay nasabi ng mga pulis na may kinalaman si Atabay sa pagdukot.

Una, naguluhan ang AKG operatives sa pahayag ni Atabay nang kausapin siya ng mga pulis upang mangalap ng impormasyon hinggil sa pagdukot.

Lalo pang naghinala ang awtoridad nang si Atabay ang kausapin ng mga kidnappers hinggil sa ransom.

“He later revealed that he knew where the kidnapped victim is being detained. The AKG operatives preceded to the area and in coordination with the local officials successfully rescued the victim, and arrested the suspects,” ani Dumlao.

KINASUHAN

Ayon kay Dumlao, ang mga suspek, mga inaresto at kasalukuyang tinutugis, ay kinasuhan ng kidnapping for ransom with serious illegal detention.

“They are presently under the temporary custody of this Group pending the issuance of their commitment order from the court,” ayon kay Dumlao.

-AARON RECUENCO at MARY ANN SANTIAGO