SA impresibong kampanya sa ONE: REIGN OF KINGS nitong Hulyo 27 sa MOA Arena, nabuo ang isang senaryo na muling hahamon sa pagkakaisa ng Pinoy fighters.

IMPRESIBO ang kampanya ni Filipino strawweight contenders Rene Catalan.

IMPRESIBO ang kampanya ni Filipino strawweight contenders Rene Catalan.

Nakamit ni Team Lakay’s Kevin ‘The Silencer’ Belingon ang ONE Interim Bantamweight World Championship para tampukan ang 4-0 sweep ng Pinoy sa fight card, kabilang ang panalo nina dating ONE Lightweight World Champion Eduard ‘Landslide’ Folayang, strawweight contenders Joshua ‘The Passion’ Pacio at Rene ‘D’Challenger’ Catalan.

Dahil sa taglay na winning streak, nabubuo ang senaryo para sa posibleng paghaharap nina Pacio at Catalan para sa ONE Strawweight World Championship na kasalukuyang hawak ni Japan’s Yoshitaka ‘Nobita’ Naito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napanatili ni Naito ang ONE Strawweight Word Championship nang magwagi kay Alex ‘Little Rock’ Silva sa ONE: GRIT AND GLORY sa Jakarta nitong Mayo.

Ngunit, kahanga-hanga ang 22-anyos baguio City native na si Pacio sa kanyang three-match winning streak na pawang natapos via stoppage, tampok ang first-round submission kontra Thailand’s Pongsiri Mitsatit.

“I’m not thinking of a title shot right now, but if ONE Championship decides to give it to me, of course I’ll grab it immediately,” pahayag ni Pacio.

Hindi naman pahuhuli ang 39-anyos na si Catalan na hindi pa natatalo mula noong 2014.

Tangan ni Catalan ang five-match winning streak, kabilang ang panalo kontra Stefer Rahardian via unanimous decision.

“Yes, I believe I’m ready. I have won five straight contests, and the competition has only gotten better and better. If ONE Championship gives me the opportunity, anytime I’m ready,” pahayag ni Catalan.

Hindi sinasadya, kapwa tinatahak ng dalawa ang daan patungo sa isang pagtutuos para sa minimithing titulo.