Binalaan kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na huwag gamitin ang kanilang mga ATM card bilang collateral para makautang sa mga informal lender o “loan sharks”.

Sa isang public advisory, tinukoy ng BSP ang “sangla ATM” schemes kung saan ang mga uutang ay gagamitin ang kanilang ATM card para makakuha ng loan.

Payo pa ng BSP, huwag ipagkatiwala ang mga ATM card, lalo na ang personal identification (PIN) sa mga nagpapautang.

Ang nasabing pahayag ng BSP ay batay isinagawa nilang 2014 consumer finance survey, nang nadiskubre na 39.9 porsiyento ng mga Pilipino ang ginagamit ang kanilang ATM card bilang loan collateral.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

-Beth Camia